Kuwento ni Papa Dis
Para kay kuya Dekdek at Baby Chiara

Apat na taong gulang ang batang si Boy. Gaya ng marami, mahilig siyang kumain ng junk foods at matatamis na pagkain. Pinakapaborito niya sa lahat ay tsokolate.

Wala namang problema sa pagkain ng tsokolate Boy,” sabi ni mama.

Importante sa lahat, magsipilyo tuwing pagkatapos kumain”, dugtong ni papa.

Tsokolate pagkatapos kumain; Tsokolate sa merienda; at minsan tsokolate kahit bago matulog.

Kaya lang itong si Boy – tamad magsipilyo.

Isang gabi pagkatapos kumain, sinabihan ng nanay si Boy na magsipilyo bago matulog. Gumawa ng maraming dahilan si Boy para hindi magsipilyo.

Inaantok na po ako mama”, palusot ni Boy.

Lumalim na ang gabi, at nakatulog na nga si Boy.

Samantala, ang mga ngipin sa loob ng kanyang bibig ay naguusa-usap.

Boy Tsoko ang tawag ng mga ngipin sa kanya.

Ayoko nang tumira dito sa loob ng bibig ni Boy Tsoko, masyadong marumi!” sabi ng ngipin na si Canine.

Ako rin, gusto ko nang umalis sa bibig ni Boy Tsoko. Hindi siya nagsisipilyo, masyadong mabahooo!” sabi naman ng ngiping si Incisor.

Ang ngiping si Bagang na matagal nang nabubulok ay sumigaw, “Aray ko… ang sakit ng pakiramdam ko… nabubulok na akoooo!”

Sa gitna ng pag-uusap na ito, nagdatingan na ang mga sigang sina Bakterya, Asido, at Tamisukal. Sila ang mga duming nakatira sa bibig ni Boy na sumisira sa mga ngipin niya.
May dalang palakol, martilyo at kung anu-anong gamit ang tatlo, pilit nilang sinisira ang mga walang kalaban-labang mga ngipin.

Nang mapagod na ang tatlong siga at magpahinga, nag-usap muli ang mga ngipin.
Panahon na upang umalis sa bibig ni Boy Tsoko, humanap na tayo ng ibang matitirahan!”sigaw ni Bagang.

Sumang-ayon ang lahat ng ngipin na humanap ng mas malinis at maayos na bibig.

maxresdefault
“Mama, wala na akong ngipin!” 
photo from http://www.realmagick.com/dream-teeth-falling-out-meaning/

Mahimbing na natutulog si Boy Tsoko na nakabuka ang bibig. Isa-isang naglundagan papalabas ang mga ngipin.

 

Ang nahihimbing na si Boy ay napabangon. Naramdaman niya ang paggaan ng kanyang bibig, kinapa niya ito, at tiningnan sa salamin.

Laking gulat niya nang makitang wala na ang lahat ng kanyang ngipin!

Mama, wala na akong ngipin!” sigaw ni Boy.

Dali daling lumapit ang nagulat niyang ina at ama.

“Boy, boy, boy…..gising boy!” sabi ng kanyang ina habang tinatapik at ginising ang nananginip palang si Boy.

“Mama, papa, gusto ko na pong mag toothbrush,” pahayag ni Boy nang maalimpungatan.

Advertisements